Thursday, February 16, 2006

Aiko and Martin: Against All Odds




Finally, Aiko Melendez is now Mrs. Jickain. There were rumors that the wedding wouldn't push thru because Martin's mom didn't approve it. But the couple finally said their "I DOs" at Fernwood Gardens early this evening. I'm re-reprinting an article I wrote about the occasion for the free tabloid "Starblitz" that comes out every Friday.

-------------------------------------

Kahit pa dalawang beses silang nagpalit ng venue, walang nakapagpigil sa paglakad sa altar nina Aiko Melendez at Martin Jickain. Blushing bride si Aiko sa altar, halatang in high spirits siya at di mapigilan ang pagtawa sa tabi ng kanyang groom.

Hanggang sa altar hindi tinantanan ng intriga ang bagong kasal at umugong ang balitang ini-snob ng ina ni Martin ang wedding. Pero ayon sa mga kamag-anak ni Martin, nagkasakit daw kase ito.

Medyo nagdagdagan ngayon ng ilang pounds si Aiko pero kumikinang ang beauty niya sa kanyang V-neck long sleeved beaded gown na gawa ni Pepsi Herrera. Suot naman ni Martin ang Mel Vergel De Dios na barong.

Ring bearer ang anak ni Aiko kay Jomari na si Andre. Tumayong mga ninong at ninang naman sina Quezon City Mayor Sonny Belmonte, Cristy Fermin, Boy Abunda, Helen Gamboa at iba pang personalidad. Sina Gelli de Belen, Candy Pangilinan, Carmina Villaroel ang Matrons of Honor. Kabilang sa mga bridesmaids si Kris Aquino at Best Man ang nakababatang kapatid ni Martin na si Luke Jickain.

Magmula ng mag-kakilala sina Martin at Aiko nung September 2004 at naging opisyal silang mag-on nung October 15, hindi na natapos-tapos ang intriga sa kanilang dalawa.

Nag-umpisa ito sa walong taong age-gap ng dalawa. Thirty na si Aiko at 22 naman si Martin. Pinag-usapan din ang napaka-bilis nilang relasyon na wala pang limang buwan. Parang sinagot ito ng mag-asawa sa kanilang wedding invitation na may nakasulat na, "The quantity of time is not what matters...Quality of time is what we both shared and will cherish for the rest of our lives...With two different worlds, we meet...Indeed, we are destined to be together."

Kabilang rin sa mga naging isyu ang hindi pag-sang-ayon ng ina ni Martin sa kasal. Nagulat na lamang daw ang pamilya ni Martin sa desisyong magpapakasal na siya, sa kabila nito nagpakita ng suporta sa kasal ang pamilya Jickain. Hinatid mismo ng kanyang ama ang groom sa altar.

Sa naunang interview ko kay Martin, inamin ng commercial model na very close daw sila ng kanyang mommy at tulad ng ibang ina, feeling daw nito ay mawawalan na siya ng anak. Hiwalay na ang parents ni Martin at lumaki na sila ng kanyang kapatid sa ina. Kaya naman very close Martin at kapatid nitong si Luke sa mommy nila. Itinanggi ni Martin na pinakasalan niya si Aiko dahil dalawang buwan na siyang buntis. Nauna raw nilang plinanong magpakasal bago nangyari ito. Excited din daw si Martin na maging ama at sigurado daw siyang lalambot ang puso ng ina niya kapag magkaroon daw ito ng apo.

Tinatanong naman ng lahat ngayon kung nasaan ang ex-husband ni Aiko na si Jomari Yllana. Lumipad kahapon si Jomari para sumali sa isang Celebrity Sports Fest sa Bohol. Kasabay ni Jomari sa flight ang TV Patrol reporter na si Marie Lozano. Tinanong raw ni Marie kung ano ang mensahe ni Jomari kay Aiko, natawa raw si Jom at sinabing "Kelan ba ang kasal?". Nang malaman kung kailan ito, di na nagpaliguy-ligoy pa si Jomari, "Best wishes, I'm happy for them." Tinawanan rin ni Jomari ang tanong kung imbitado siya sa kasal o hindi.

Sa banding huli, buhay ito nina Martin at Aiko. At ngayong opisyal na ang kanilang pagsasama, ano pa nga ba ang masasabi natin kundi, "Mabuhay ang bagong kasal!"

4 comments:

houseband00 said...

Hi Nina,

It seems that Valentine is still in the air and love manifests itself once again. It's so nice to hear of relationships that still foster despite the negativity of others.

Welcome back, Nina.

gomz said...

saw on tv. he looked like the most nervous groom i have ever seen. he did not look happy at all.

Anonymous said...

Nice site!
[url=http://yyomarqt.com/ddjw/ypbi.html]My homepage[/url] | [url=http://tlbutdlk.com/dxrd/kbzk.html]Cool site[/url]

Anonymous said...

Great work!
http://yyomarqt.com/ddjw/ypbi.html | http://ehehribb.com/ueqt/rzkg.html